An Hour Too Late


An Hour Too Late

Wala namang bago sa araw na ito, normal na lunes lang ito'y maituturing. Bukod sa pawis na pawis pa rin ako dahil sa P.E class namin ay kasabay ko pa rin syang kumain ngayon dito sa tambayan namin sa 6th floor na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang tawag. Malapit nang mag 11:00AM, halos kalahating oras na kaming magkasama ngayong break time pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kung may magsasalita man samin ay wala namang sense ang mga yun. Hindi naman kami ganito noong mga nakaraang araw, siguro dahil na rin sa nalaman ko na sa tingin ko ay ako ang huling nakaalam.
"Rodney..."
"O?"
"So lilipat ka na pala ng school?" parehas kaming nakatingin sa malayo, hindi ko sya tinitigan, di nya rin ako tinitigan.
"Oo. Pano mo nalaman?" mahinahon nyang sagot. Walang emosyon ang pagbigkas nya.

• Dear Josephine


Dear Josephine


January 9, 2013 – 6:14 p.mDear diary,Buti na lang nabili agad kita. Ang ganda-ganda mo kasi. Nakaka-engganyong magsulat ng mga nangyayari sa akin. Mula ngayon tatwagin na kitang Josephine. Mamaya na lang uli ako magsusulat ah. Magsasaing pa kasi ako.


January 10, 2013 – 10:39 p.mDear Josephine,Pasensya na kung hindi na uli akonakapagsulat kagabi. Lasing kasi si tatay. Mukhang nag aaway sila ni nanay kaya pinatulog ko na lang yung mga kapatid ko. Di ko namalayang nakatulog na din pala ako. Grabe, kinakabahan na ako para sa susunod na linggo. Mangyari kasing kuhaan nan gaming report card sa susunod na linggo. Kailangan kong mapanatiling mataas ang aking marka upang di mawala ang aking scholarship.


• Si Torpe Boy at Pakipot Girl


Si Torpe Boy at Pakipot Girl

Mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo, di tulad sayo, imposible.
Kay hirap maging babae kung torpe you lalaki, kahit may gusto ka kasi di mo masabi.

Minsan may mga bagay na kahit gaano mo kagusto ay di mo magawang ipahayag o ipakita. Minsan, sa pag-ibig, kahit na mahal mo sya ay sadyang di lang talaga pwede. Ayokong sabihin kasi kasi natatakot akong iba ang marinig ko mula sa kanya.

Ako si Mariechar, simpleng babae, mahinhin at konserbatibo. Madalas ngang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Maria Clara. Kasi naman, lumaki ako sa piling ni lola. Hindi ko ganoon ka-updated kasi hindi naman talaga ako lumalabas ng bahay. Kuntento na akong nakikita sya sa bintana.Save


• Photo Album


Photo Album - The Wrong Condition for Love

Masusukat ba ang pagmamahal sa materyal na bagay... sa dami ng regalo... sa halaga nito?

Ako si Jenny. Sa gimikan ako ang bida, sa pasosyalan ako ang reyna at kung paartehan ang usapan, humanda ka na. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig. Nag-iisa lang kasi akong anak, sunod sa layaw... maluho... spoiled brat.

Kahit na ganito ako, napaibig parin ako ni Marky. Hindi naman sya mahirap, di rin naman mayaman. Scholar sya sa school namin, kabilang sya sa star section at active sa mga schol events.

Di man nya ako nalilibre, nabibigyan ng flowers every Valentines day at during our monthsary, sa puso ko sya lang.

• Brown-out


Brown-out (the story of sudden pain)

May mga bagay na darating sa atin ng biglaan, mga bagay na hindi mo inaasahan at mga bagay na higit kang mawawalan.

Ako si Chris, girlfriend ko si Leah. Three months syang nacommatose. Naging mahirap yun para sa akin, feeling ko kasi ako ang may kasalanan. Kung hindi ko sana sya niyayang lumabas para sa anniversary namin.

Three months ng nakaraan, anniversary namin ni Leah. Niyaya ko syang pumunta sa Glorietta para magcelebrate, mamasyal, kumain, magbonding at manood ng sine. Pauwi na kami nang biglang may sumabog, sa sobrang lakas ng pagsabog ay tumilapon kami ni Leah. Nasa ospital na ako ng magising ako, agad kong naisip si Leah.

• Si Camille at Ang Tadhana

Si Camille at Ang Tadhana

"When you walk away I count the steps that you take. Do you see how much I need you right now?
When you're goneThe pieces of my heart are missing youWhen you're goneThe face I came to know is missing too"

Minsan mapagbiro talaga ang tadhana, kung kailan ko naramdaman na totoo at sobrang mahal ko na sya, saka naman sya kinuha at nilayo sa akin. Bakit ganun? Bakit kailangan pang mawala ang mga taong syang dahilan ng ating kasiyahan?

Ako si Camille, isang babaeng produkto ng pagsubok sa buhay. Hindi nagng madali ang ikot ng mundo ko. Maaga akong naulila sa ama, nasa elementary pa lang ako noon. Si mama naman ay tuluyang lumisan noong second year college ako. Wala akong mga kapatid ko kamag-anak dito. Dahil sa mga pangyayaring yun ay kinailangan kong tumayo sa sarili kong paa. Naging isa akong working student upang matustusan ang aking mga pangangailangan sa buhay at sa paaralan.

• Darna (Kwento ng isang Becky)


Darna (Kwento ng isang Becky)

"A sizzling hot afternoon to all of you. Im Carlo Manalo ng Taguig City na mas kilala bilang ang babaeng nagpaiyak kay Zanjoe Marudo at nagpaligaya kay Robin Padilla, ako ang kapit bahay ni kuya, Marielle Rodriguez." madalas kong linsa sa mga gay beauty contest. Pakapalan ng mukha, kahit na maraming nangungutya, wala akong pake. Di naman sila ang nagpapakain sakin. Di ko  kasalanan kung ipinanganak akong dyosa. Char! Etchoserang froglette.
Sa 19years kong nabubuhay sa mundo, 19years na bakla ako, ni minsan di pa ako naiinlove sa isang lalaki. Oo, lumalandi ako pero hanggang dun lang yun. Para sa akin dapat kong unahin ang sarili ko lalo pa't ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. Mag 3 years na rin kasi nung pinalayas ako. Nahuli kasi ako ni tatay, suot-suot ang bra ni nanay. Baka nainggit, gusto ring sukatin. Etchos, keme ko lang.
16 pa lang ako nun, katatapos ko lang ng highschool. Hirap na hirap ako, kailangan kong gumising ng 3:00 ng madaling araw para magdeliver ng dyaryo sa mga tindahan but I'm proud dahil dahil sa dyaryo nasa college na ako ngayon.

• Bisekleta


Bisekleta

I met this guy 9 years ago. Bagong lipat kasi kami ng bahay malapit sa kanila. Syempre dahil bago pa lang ako sa lugar kaya wala pa akong kaibigan. Minsan nga gusto kong sumali sa mga batang nagte-ten-twenty kaso nahihiya ako kaya ayon, lagi nalang akong nasa loob ng bahay.

            Hmmm. Maganda ang lugar na yun. Kaya nga lang malayo ang palengke kaya kailangan talaga maglakad ng malayo. Since only child ako, wala talagang ibang mauutusan si mama na mamili minsan kundi ako. Nakakaawa din naman kasi siya dahil sumasakit daw ang tuhod nya.

            Minsan nga nautusan ako ni mama na mamili. Medyo maaga pa yun kaya di pa masakit sa balat yung sikat ng araw. Di tulad ngayon 8 palang nakakapaso na ang init. So ayun nga, since 13 pa lang ako nun ay madali rin akong mapagod. Di naman ganun kadami ang pinamili ko pero kahit papano na bibigatan ako. That day ko nakilala si Jasper. Eh syempre gwapo kaya kilig din ako. Panu ba naman kasi, niyaya nya kong umangkas sa bike nya.

• Kung Alam Ko Lang Sana...


Kung Alam Ko Lang Sana...

"Ma, fieldtrip na namin sa August 18. Gusto ko sanang sumama. P800 lang naman ang bayad"
pambungad kong salita s aking ina pagkadating ko sa bahay mula eskwelahan.
"Ahh. Sige anak"
Masayang masaya ako dahil ito ang unang beses kong mkakapunta sa Subic. Balita ko ay maganda daw doon.
Inumpisahan ko nang mag-ipon ng pera para sa aking baon. Wala naman na akong problema sa pambayad para sa fieldtrip dahil si mama na ang bahala doon.
Isang linggo bago ang fieldtrip ay nagpunta na sia mama sa school. Lalo naman akong natuwa dahil makakasama na nga ako ng tuluyan. Ngunit bigla akong nalungkot at nainis ng singilin ako ng aking guro sa klase.
Pagdating ko sa bahay...
"Akala ko magbabayad kana, hindi pa pala!" padabog kong sabi kay mama

• Si Reneng Madeskarte


Si Reneng Madeskarte

Kalokohan! Mga  batang hindi nag-iisip lamang ang pumapasok sa paaralan. Minsan ngang tinanong ko yung isang estudyante, “bakit ka nag-aaral?” sumagot naman ito, “para matuto.” Kita mo na. hindi ba’t bobo?
Bago ako magpatuloy, ako nga pala si Rene, ang batang lumaki sa deskarte. Magbobote si nanay at si tatay. Ako naman, bilang panganay ay dinadaan ang lahat sa deskarte para kumita. Minsan na akong naging sapatero, naging kargador ng mga gulay sa palengke at takatak boy. Hindi ako nagtagal sa mga mga yan. May mga araw kasing matumal ang kita.
Lumaki akong mulat sa kahirapan ng buhay. Bukas sa aking isipan ang estado ng aking buhay. Lima kaming magkakapatid. At batid ko ang hirap sa pagtustos ng mga pangunahing pangangailan ng aming pamilya. May mga gabi ngang natutulog kaming kumakalam ang sikmura. Eh ganon talaga ang buhay, puno ng hirap. Nasasayo na yan kung paano mo to malalampasan.

• About me




ABOUT ME :



Name: John Paul Lauron
Better Known as: JayPee
Favorites:
Food: Spagetti, hotdog, humburger, noodles, chocolates, cheeze, sort of sweets
Music: NINA !!! superb fan nya ako. haha. ADELE - parehas kaming bitter. Old songs, sort of 50's-90's
Color: Brown, red, black, violet, grey, white

MORE ??

Well, I am a writer of my own life's story, but I didnt noticed that I use ballpen. I tried to erase my failures but i t leaves visible marks. So I  decided to continue writing. For real, I really love writing stories and poems. Some of it are my ideas for what I want to experience. Di ako bihasa sa field na to but i strive to be.

Marunong akong sumayaw at gustong gusto kong nagpeperform ako. IM A SINGER (me naniwala ba?) waahhhh. Gustong gusto kong matutuong kumanta kaso sobrang di talaga para sakin yun. I love arts, di man ako marunong mag drawing, well, marunong naman ako kahit papanong magcombine ngkulay. tinuruan ako ng bespren ko eh :)

LETS TALK ABOUT MY TRAITS:

Im generous, caring ang loving friend. Hindi ako selfish at ayoko sa mga selfish. I always include my friends to my dreams and aims. You know what, SELFISH PEOPLE SUCK. Love me or hate me, but dont lie to me.


WRITING HABIT:

Hirap na hirap akong magsulat kapag hindi ako bagong toothbrush. Ewan ko ba, siguro kasi malapit ang bibig sa utak. hahaha. Anong meron dun? hahaha. Kapag inaatake ako ng writer's block, i take a break. Tapos kakain ako ng matatamis at mga comfort foods ko para bumalik yung mood ko. Isa akong Vampire Writer -gabi lang nagsusulat. Nahihirapan akong magsulat pag nakaupo ako kaya madalas akong nakadapa. hahaha.


Contacts:

Napaka-public kong tao kaya wala akong pake kung me magtext man sakin. hahaha

Cellphone No. 09486594119
Facebook: jaypeelauron@yahoo.com
E-Mail: jaypeelauron@yahoo.com
Twitter: ThisIsJayPee
Wattpad: Iamjaypee

Powered by Blogger.