• Photo Album


Photo Album - The Wrong Condition for Love

Masusukat ba ang pagmamahal sa materyal na bagay... sa dami ng regalo... sa halaga nito?

Ako si Jenny. Sa gimikan ako ang bida, sa pasosyalan ako ang reyna at kung paartehan ang usapan, humanda ka na. Hindi naman sa pagmamayabang, pero ipinanganak akong may gintong kutsara sa bibig. Nag-iisa lang kasi akong anak, sunod sa layaw... maluho... spoiled brat.

Kahit na ganito ako, napaibig parin ako ni Marky. Hindi naman sya mahirap, di rin naman mayaman. Scholar sya sa school namin, kabilang sya sa star section at active sa mga schol events.

Di man nya ako nalilibre, nabibigyan ng flowers every Valentines day at during our monthsary, sa puso ko sya lang.

Malapit na rin pala ang anniversary namin. 1year na rin pala kami. This time hindi ako papayag na wala syang regalo sakin. Hahaha.

tinanong nya ako kung anong gusto kong regalo...

"Gusto ko yung limited edition na gold bracelet. Original ah!!! Ayoko ng fake. Magtatampo ako pag di mo mabibigay yun."

Dumating na ang araw, nagkita kami sa SM Bicutan, kumain kami... pero sa food court lang, kahit cheap ok lang. Pauwi na kami pero di nya parin binibigay yung regalo nya.

"Asan na yung regalo mo?"
"Ito ohhh..."
"What??? Hindi photo album ang hinihingi ko... bracelet! Yung gold! Lagi ka na lang ganyan, kahit minsan wala ka pang mabibigay sa aking regalo. inabot na lang tayo ng isang taon. Sawa na ako, Lets end this now!"
"Teka! Tingnan mo muna..."

Di ko na tiningnan, tinatapon ko sa harap nya at umalis ako.

After one week, nakasalubong ko yung mga classmates ko.

"Oh, bat kayo naka-itim? San ang lamay? hahaha"
"Di mo ba alam?"
"Na?"
"Si Marky nagpakamatay."

It gave me chills. Dahil ba sakin? Ang babaw naman kung ako ng dahilan. Ang talino nya tapos ganun na lang.

Pagdating naman sa bahay nila, nilapitan ako ng nanay nya.

"Jenny, para sayo ata itong photo album na to."

Binuksan ko, nakita ko yung mga litrato namin, yung mga love letters, at mga special things about samin. Bigla akong napaiyak nang nas last page na ako. May letter na naka-insert.

_ _ _ _ _

Dear Jenny,

Happy Anniversay, pumunta ka sa special place natin, nandun yung regalo ko.

I love you.

Marky.

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.