• Brown-out


Brown-out (the story of sudden pain)

May mga bagay na darating sa atin ng biglaan, mga bagay na hindi mo inaasahan at mga bagay na higit kang mawawalan.

Ako si Chris, girlfriend ko si Leah. Three months syang nacommatose. Naging mahirap yun para sa akin, feeling ko kasi ako ang may kasalanan. Kung hindi ko sana sya niyayang lumabas para sa anniversary namin.

Three months ng nakaraan, anniversary namin ni Leah. Niyaya ko syang pumunta sa Glorietta para magcelebrate, mamasyal, kumain, magbonding at manood ng sine. Pauwi na kami nang biglang may sumabog, sa sobrang lakas ng pagsabog ay tumilapon kami ni Leah. Nasa ospital na ako ng magising ako, agad kong naisip si Leah.

"Asan si Leah? Ayos lang kaya sya?"

Biglang lumapit sakin ang nanay nya... umiiyak... balisa... bigla syang nagsalita.
 "Si Leah..."

Ano kayang nangyari sa kanya?
 "Si Leah, nacomatose."

Nabigla ako sa sinabi nya, wala akong ibang nagawa kundi umiyak, hindi ko matanggap.

Sabi ng doctor, sa sobrang lakas ng impact ng pagsabog, nagkaroon si Leah ng internal-hemorrhage na naging sanhi ng pagka-coma nya.

Akala ko yung na ang pinakamasakit na mangyayari sa akin... meron pa pala.

27th monthsary namin nun, 2years and 3months narin pala kami. Pinutahan ko sya sa ospital, nagcelebrate kami, dinalhan ko sya ng bulaklak at buong maghapon ako ang nagbantay sa kanya. Ang saya-saya ko.

4:00pm - dumating ang kapatid nya, pinauwi muna nya ako para makapagbihis. Bago ako umalis, hinalikan ko muna si Leah.

"Bye. I love you."

4:20pm- sumakay ako sa elevator ng biglang... nagbrown out.

Bigla akong napaiyak... know why? Kasi kuryente na lang ang bumubuhay kay Leah.

Ilang segundo ang nakalipas, biglang bumukas muli ang mga ilaw sa elevator at bumukas ang pinto nito. Wala akong ibang ginawa kung tumakbo pabalik kay Leah. Hindi ko naramdaman ang hirap sa pag-akyat sa matataas na hagdan ng ospital. Ang alam ko lang ay kailangan kong puntahan si Leah. Yun lang.

Bago pa man ako makalapit sa kwato ni Leah ay napahinto ako habang pinagmamasdan ang mga nagmamadaling doktor at nga nurse na papunta sa kanyang kwarto. Hindi ko alam kung babagsak ba ako dahil sa pangangatog ng aking mga tuhod o hihimatayin dahil sa kaba na nagpapabilis ng tibok ng aking puso. Mula sa salaming parte ng pinto, pinagmasdan ko ang nanay ni Leah sa pag-iyak. Pagkatapos tanggalin ng doktor ang kanyang stethoscope ay panandaliang tumigil ang lahat sa loob. Bigla na lang niyakap ng nanay ni Leah ang doktor. Hindi ko natiis kaya pumasok na ako.

"Leah? Dok, ano na ang nangyayari?" Mangiyak-ngiyak kong tanong sa doktor habang hawak ko ang kaay ni Leah.
"Wag na po kayong mag-alala, ligtas ppo si Leah." Ligtas? Paanong ligtas?
"Hindi ba't nagbrown-out?" Pagtataka kong tanong sa kanya.
"Maging kami ay kinabahan din po dahil sa brown-out, nakalimutan namin..." Napahinto sa pagsasalita ang doktor.
"Nakalimutan ang alin dok?"
"...na may generator pala lahat ng ospital."

Napangiti ang doktor at mga nurse habang ako naman ay halos sumabog sa tuwa.

P.S: Adik kang generator ka! Pinakaba mo ang mga readers.

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.