• Dear Josephine


Dear Josephine


January 9, 2013 – 6:14 p.mDear diary,Buti na lang nabili agad kita. Ang ganda-ganda mo kasi. Nakaka-engganyong magsulat ng mga nangyayari sa akin. Mula ngayon tatwagin na kitang Josephine. Mamaya na lang uli ako magsusulat ah. Magsasaing pa kasi ako.


January 10, 2013 – 10:39 p.mDear Josephine,Pasensya na kung hindi na uli akonakapagsulat kagabi. Lasing kasi si tatay. Mukhang nag aaway sila ni nanay kaya pinatulog ko na lang yung mga kapatid ko. Di ko namalayang nakatulog na din pala ako. Grabe, kinakabahan na ako para sa susunod na linggo. Mangyari kasing kuhaan nan gaming report card sa susunod na linggo. Kailangan kong mapanatiling mataas ang aking marka upang di mawala ang aking scholarship.


January 14, 2013 – 1:28 p.mDear Josephine,Kinausap ako ni Sir Dela Peña ngayun-ngayon lang. ipinakita nya sa akin ang aking grado. Nasa linya ng mga syete ang aking grado sa kanya. Sabi ko na nga ba, hindi kasi ako nakapagpasa ng mga proyekto sa kanya dahil sa walang-wala kami. Alam ko ang kaakibat nito, ang pagkawala ng aking scholarship. Mayroong nabanggit si Sir na paraan. Isang special project raw.


January 15, 2013 – 11:41p.mDear Josephine,Hindi parin ako makatulog. Tatlong araw na lang at kuhaan nan g aming report card. Scholarship na lang ang pag-asa ko upang makapagtapos. Ayokong mawala ito. Mukhang hindi ko rin magagawa yung special project dahil tatlong araw na nga lang upang makapagpasa.


January 16, 2013 – 9:36 a.mDear Josephine,Nandito parin ako sa ospital. Hindi na ako nakapasok dahil walang mag-babantay kay nanay.


January 16, 2013 – 12:16 p.mDear Josephine,Paano ko kaya mabibilhan ng gamot si nanay? Wala parin sa bahay si tatay. Sigurado akong na kila Mang Johnny na naman iyon, nakikipag-inuman. Pupunta muna ako kila Aling Lita, baka sa kaling may maipapahiram.

January 16, 2013 – 1:58 p.mWalang naipautang sa akin si Aling Lita. Na-dengue pala ang kanyang anak. Paano na ito? Sumasakit na talaga ang ulo ko. Ang dami ko na problema.


January 17, 2013 – 2:29 p.mDear Josephine,Ang ganda pala ng bahay ni Sir. Kumportable sa loob. Kumpleto sa kagamitan. Sige, mamaya na lang uli.


January 17, 2013 – 6:49 p.mDear Josephine,Pasensya na kung nababasa ngayon ang pahinang ito. Hindi ko lamang mapigilang mapaluha. Sa totoo lang, masaya ako dahil may gamot na si nanay. Ayos na rin ang aking grado.


January 18, 2013 – 6:21 a.mDear Josephine,Bakit hirap ako sa paglalakad? May masakit eh. Dahil tuloy dun ay nahuli aako sa klase. Bakit parang nakatingin sa akin ang aking mga kaklase? Pinagtatawanan ba nila ako? Josephine, sumagot ka! SUMAGOT KA! Bakit ganoon na lang kung tumitig si Sir? Bakit parang nagbubulungan ang mga katabi ko. Josephine! Sagutin mo naman ako! Bakit ganito? Josephi---


0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.