• Si Camille at Ang Tadhana

Si Camille at Ang Tadhana

"When you walk away I count the steps that you take. Do you see how much I need you right now?
When you're goneThe pieces of my heart are missing youWhen you're goneThe face I came to know is missing too"

Minsan mapagbiro talaga ang tadhana, kung kailan ko naramdaman na totoo at sobrang mahal ko na sya, saka naman sya kinuha at nilayo sa akin. Bakit ganun? Bakit kailangan pang mawala ang mga taong syang dahilan ng ating kasiyahan?

Ako si Camille, isang babaeng produkto ng pagsubok sa buhay. Hindi nagng madali ang ikot ng mundo ko. Maaga akong naulila sa ama, nasa elementary pa lang ako noon. Si mama naman ay tuluyang lumisan noong second year college ako. Wala akong mga kapatid ko kamag-anak dito. Dahil sa mga pangyayaring yun ay kinailangan kong tumayo sa sarili kong paa. Naging isa akong working student upang matustusan ang aking mga pangangailangan sa buhay at sa paaralan.

Third year college ako nung unang beses kong magkaroon ng kasintahan. Yun ang isa sa mga sandaling nagbigay sa akin ng dahilan upang maging masaya. Natatakot akong mawalaa sya kaya halos lahat na ay ibinigay ko sa kanya. Inalagaan ko sya ng parang isang asawa at ibinigay ang aking oras at atensyon. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Ang taong minahal ko pala ay "minahal" lang ako dahil sa isanh pustahan. Ngunit hindi ako yung tipo ng babaeng basta-basta na lang nagpapatalo. Kahit na mahirap sa akin ay nagkipaghiwalay ako kung kapalit naman nito ay ang aking dignidad at pagkatao.

Ngunit nabale wala rin ang aking pakikipaghiwalay para sa aking dignidad dahil naging mahina ako. Hindi ko kinaya ag pagkawala nya sa buhay ko. Akala ko sya na ang buhay ko kaya kasabay ng paglayo nya ay sinubukan ko ring wakasan ang aking buhay.

Tatalong araw mula ng kami ay maghiwalay ay naging magulo ang isip ko. Sabado ng gabi nun habang ako ay nasa trabaho, nakita ko syang may kasamang iba. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at kinuha ang isang kutsilyo at nagkulong sa banyo. Sa madaling salita ay naglaslas ako. Akala ko katapusan ko na.

"Ano bang nangyayari sayo Camille? Pwede ba, sa susunod na magpapakamatay ka ayusin mo. Hindi mo nailock yung CR, ayan tuloy nailigtas ka pa namin!""Sorry... so... sorry!"

Wala akong ibang nagawa kung umiyak. Doon ko lang napagtanto na mali ang ginawa ko. Pero s kabilang banda ay nakakita ako ng pag-asa, pag-asang muling sumaya.

Nakilala ko si Ivan, isang nurse sa ospital na pinagdalhan sa akin. Mabait sya, maunawain, matulungin at may-sense kausap. Kung ilalarawan ko sya sa kanyang anyo ay masasabi kong sya ay kagusto-gusto. Matangkad, gwapo, maputi at malinis sa katawan. Hindi naman ako nagtagal s ospital na yun dahil hindi naman malala ang sinapit ko. Pero sa isang araw na nakasama ko sya, may kung anong kakaiba akong naramdaman.

Sa mga sandaling umiiyak ako ay agad naman syang lumalapit at nag-ooffer ng sarili nya upang makausap. Hindi sya yung tipo ng kausap na sesermonan ka sa ginawa mo sa halip ay iniintindi nya ako at sinasabi kung ano nag dapat. Sa totoo lang ay nalimutan kong sawi pala ako sa pag-ibig. Sa bawat salitang binibigkas nya ay gumagaan ang aking pakiramdam. Nandito nanaman ang tadhana, maayos na ang lagay ko kaya kinailangan ko ng lumabas ng ospital. Nakakalungkot dahil hindi sya naka-duty nung araw na lalabas na ako. 

Nagpagaling muna ako ng sugat bago ako muling pumasok sa trabaho. Mabuti na lang at hindi ako natanggal dahil mabait naman ang aking amo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, pumasok si Ivan sa restaurant na pinapasukan ko upang kumain. Sinamantala ko na ang pagkakataon upang magpasalamat sa kanya. Hiningi ko yung number nya bago sya umalis.

Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero alam kong mayroong kung ano na.

To make the story short, niligawan nya ako. Hindi ko na pinatagal pa at naging kami rin. Walong taon ang itinagal ng aming relasyon. Sya ang naging kasama ko sa buhay, mula pa noong grumaduate ako hanggang sa nagkaroon na ako ng magandang trabaho. Naniniwala akong mahal nya akong talaga dahil ni minsan ay hindi nya pa ako hinalikan, niyayang mag-live-in o gamitin sa tawag ng kanyang pagkalalaki, sa halip ay inilapit nya pa ako sa Diyos. Naging masaya ako dahil kasama ako sa mga pangarap nya sa buhay.

Hanggang isang araw, 8th anniversary namin noon at niyaya nya akong magdate. Tulad ng kanyang nakagawian ay sinsabi nya ito sa pamamagitan ng sulat at bulaklak na iniiwan nya sa tapat ng pinto ko.

Bakit ganito ang tadhana?

Mula sa aking kinatatayuan, nakita ko si Ivan na masayang masaya at excited na excited. Patawid na sya... nang biglang... si Ivan, nasagasaan. Wala akong ibang nagawa kundi lapitan sya, niyakap ko sya, hanggang sa mabitawan nya ang hawak nyang singsing.

"Camille! Hoy Camille gumising ka! Oras ng trabaho natutulog ka." Totoo ba to? Panaginip lang ang lahat ng yun? Yung banggaan at si Ivan. Sa pagkabigla ko ay hindi ko na napigilang yakapin si Gen, katrabaho ko. Naiyak ako sa takot at tuwa.
"Gen, salamat talaga. Natatakot talaga ako. Salamat dahil ginising mo ako sa bangungot na yun." Tumulo ang luha ko habang akoy nagsasalita. Nadala ako ng aking emosyon.
"Hala! Tahan na. Ano bang nangyari sayo?" Hinaplos-haplos ni Gen ang likuran ko, sinusubukan nya akong patahanin.
Oo, ito ang araw ng anniversary namin. Gusto kong ipa-cancel kay Ivan ang lakad namin para iwas disgrasya.
"Badtrip! Bat di nya sinasagot?" Sinubukan kong tawagan si Ivan pero hindi sya sumasagot. Sa totoo lang ay kinakabahan pa rin ako. May nabasa kasi ako sa internet na nanaginip daw sya nanamatay yung boyfriend nya, pag-gising nya, patay na nga yung boyfriend nya. Ayokong mangyari sa akin yun.
Hindi ko na napigilan ang date namin ngayon araw. Nandito na ako ngayon, naglalakad papunt sa meeting place namin na lugar rin ng punangyarihan ng aking panaginip. Malapit na ako sa place nang biglang...

*WANG WANG WANG WANG

Tama! Tunod yun ng abulansya. Hindi! Could it be... NO WAY!

Sa sobrang kaba ay napatakbo ako sa kinaroroonan ng ambulansya. Dito yun, ito yung daanan na nasa panaginip ko kung saan nasagasaan si Ivan. Sa kabilang dako ay may mga nagkukumpulang mga tao sa ambulansya. May mga nagkalat na dugo sa di kalayuan.
"Padaan po. Makikiraan po!" Pinilit kong makalapit sa bukas na likuran ng ambulansya. Sa loob nito ay may lalaking sugatan. Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil sa dugo.
Sinubukan kong muling tawagan si Ivan. Nabigla na lang ako sa narinig ko, nagring ang cellphone ng lalaking nasa ambulansya. Si Ivan... sya nga!
Sumakay ako sa ambulansya, singbilis ng takbo nito ang mga pangyayari. Hindi ko inaasahang magkakatotoo ang aking panaginip. Natatakot ako sa mga pwedeng sumunod na mangyayari. Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko pag nawala pa sya sa aking buhay.
Huminto ang ambulansya sa tapat ng ER, dito sa ospital na pinagtatrabahuan ni Ivan. Ito rin kasi ang pinakamalapit na pwedeng pagdalhan sa kanya.
Ibinaba si Ivan at sa labas ay nagkumpulan ang kanyang mga kasamahan. Ang bilis nga naman talaga ng balita. Nalaman agad nila ang nangyari kay Ivan.
Bago makapasok ng ER ang kinahihigaan ni Ivan ay huminto sa pagtutulak ang dalawang nurse.
"ANO BA?! BILISAN NYO NA!" pasigaw ko silang inutusan na magmadali. Kapag nagtagal pa ay baka lalong sumama ang lagay nya.
*POP!  Bigla na lang may nagsilaglagang confetti. Ano to? Anong nangyayari? Nagsecelebrate sila sa pagkaaksidente ni Ivan?
"Ivan, wag ka ng tumayo dyan. Humiga ka na lang." biglang nagpumilit na tumayo si Ivan sa kanyang kinahihigaan. Pinigilan ako ng dalawang nurse sa paghawak kay Ivan.
Lumuhod sya...
"Love is about realizing how ang imperfect person makes your life perfect. I couldn't ask for more but to grow old with you. Before I met you, I realized how empty my life was. Now, I'm asking you to spend our lifetime loving each other. Complete me. Will you marry me?"
"Ye... YES!!!" niyakap ko ng mahigpit si Ivan. Hindi ko maipaliwanag ang saya sa dibdib ko. Gusto kong sumigaw sa tuwa.


"TAGUMPAY ANG PLANO!"

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.