An Hour Too Late


An Hour Too Late

Wala namang bago sa araw na ito, normal na lunes lang ito'y maituturing. Bukod sa pawis na pawis pa rin ako dahil sa P.E class namin ay kasabay ko pa rin syang kumain ngayon dito sa tambayan namin sa 6th floor na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang tawag. Malapit nang mag 11:00AM, halos kalahating oras na kaming magkasama ngayong break time pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kung may magsasalita man samin ay wala namang sense ang mga yun. Hindi naman kami ganito noong mga nakaraang araw, siguro dahil na rin sa nalaman ko na sa tingin ko ay ako ang huling nakaalam.
"Rodney..."
"O?"
"So lilipat ka na pala ng school?" parehas kaming nakatingin sa malayo, hindi ko sya tinitigan, di nya rin ako tinitigan.
"Oo. Pano mo nalaman?" mahinahon nyang sagot. Walang emosyon ang pagbigkas nya.
"Pano ko nalaman? Bakit? Hindi ko ba dapat malaman? Para saan pa't naging magkaibigan tayo ng halos tatlong buwan!" medyo umiba ang aking tono. Hindi lang kasi ako makapaniwalang ako ang huling nakaalam ng balitang yun. Sa halos araw-araw naming magkasama, wala akong alam.
"Sasabihin ko naman talaga dapat sayo. Naunahan mo lang ako." mahinahon pa rin sya.
"Haysss! Ewan! Bakit ka nga pala magpapalipat ng school? Di ka ba nag-eenjoy dito sa PUP Sta. Mesa?"
"Masaya naman ako dito, yun nga lang, may dumating na isang magandang opportunity para sakin."
"Ano yun?" humarap ako sa kanya, ganun din sya.
"Pasado kasi ako sa test para sa UP. Yun nga lang, hindi ako nakapasok dahil sa financial status ko that time. Ngayon, ok na kaya pinag-isipan kong ituloy na lang yun. Hindi lahat nabibigyan ng ganung pagkakataon at marami ang may gustong mag-aral dun."
"Sabagay. Hindi ka na ba mapipigilan?" naging seryoso lalo ang aking pagsasalita.
"Hmmmm. Di ko masasabi. Siguro, pag may magandang mangyayari o kung may isang mahalagang taong pipigil sakin. Teka, di mo na nagagalaw yang pagkain mo o! Papayat ka nyan eh. Hahaha." mabuti naman at nagbago na ang aming tono ng pag-uusap. Naging masaya na dahil nagsimula na syang magbiro.
"Tsee! Ikaw ang dapat kumain ng husto dyan. Teka, maisingit ko lang, kelan mo ba balak magpalipat?"
"Pagkatapos siguro ng mid-term exam natin."

Natapos na ang History, Math, English at Filipino class namin pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang nalalapit nyang paglipat ng school. Ano bang pinagkaiba ng ibang school sa isa pang school? Siguro naman ay hindi magkakaiba yung subjects na itinuturo samin. Ang dami namang arte nyan!
Lumipas pa ang mga araw, balik na uli kami sa normal. Katulad ng dati ay hilig nya parin akong biruin, palibhasa ay wala akong sense-of-humor kaya bihira akong makaganti. Hilig nya rin pala akong kulitin sa tuwing busy ako o kapag seryoso ako. Nakakainis na tuloy kung minsan. Pero kahit na ganun, masaya pa rin ako sa kung ano ang estado namin ngayon. Masaya akong nagin kaibigan ko sya kasi di ko talaga inaasahang magkakasundo kami dahil sa magkaiba naming pag-uugali.
"Yes! Suspended na ang klase! Makakauwi ako ng maaga." aray! Ang sakit sa tenga ng boses ni Rodney!
"Kailangan talagang sumigaw? Nakakainis naman! Kanina pang umaga malakas ang ulan pero ngayon lang nagsuspende kung kailan nasa school na tayo!" lagi namang ganyan ang suspensyon! Nakakainis!
"Kaya nga tumayo ka na dyan at ayusin mo na ang gamit mo para makauwi ka na! O sya, bye na. Tinatawag na ako ng mga kasama ko. Ingat!"
"Bye!"
Ito ang problema ko, nung mataas ang araw, dala ko ang payong ko, ngayong ang lakas ng ulan, doon ko naman naiwan. Pano ako ngayon nito makakalabas ng school? Ganito ba talaga pag-college? Kailangang masanay maging water-proof. Grabe!
...
Ilang minuto na rin akong nakatayo dito sa waiting shed. Bukod sa mag-isa lang ako, nilalamig pa ako. Basang-basa kasi yung uniform ko. May mas malala pa pala akong problema, pano ako makakarating sa estasyon ng tren kung ganito pa rin kalakas ang ulan? Parang balewala tuloy ang suspensyon, di rin ako makakauwi ng maaga.
"Lakas mong maka-Emo dyan ah! Hahaha!" Teka, pamilyar yung boses na yun ah? Tama! Si Rodney na naman.
"Anong ginagawa mo dito? Bat di ka pa umuwi?"
"Eh ganun talaga eh." Grabe, ayos talaga tong kausap! "Eh ikaw, bat nandito ka pa?"
"Tinatanong pa ba yan? Syempre di ako makaalis dito! Common sense naman!" Binabadtrip na naman nya ako.
"Hahaha. High blood masyado? Tara na nga, alis na tayo." dumukot sya sa kanyang bag "Oh, isuot mo yang jacket ko."
"Ahh... eh pano ka? Atsaka, di rin naman ata kasya sakin yan." inabot nya sakin ang itim nyang jacket.
"Pagkasyahin mo! Kaysa naman lalo ka pang lamigin." nagsasalita syang hindi man lang nakalingon sa akin. Nahihiya ba sya? Ako nga dapat ang mahiya eh.
"Sige na nga. Uy, mababasa to."
"May payong ako!" dumukot uli sya sa kanyang bag at inilabas ang kung brown na payong. Natawa na lang ako nang binuklat nya ang payong.
"Hahaha! Ano yan, payong ng baby? Hahaha!" ang liit ng payong nya, para lang sa isang tao.
"Bahala ka! Iiwan kita!" Yehey! Nakaganti rin ako sa kanya. Napikon sya sa asar ko.
"Uy teka lang. Tara na nga."
That awkward moment when I'm very close to him, arm to arm, under one cute umbrella.
BEEP! BEEEEEEEEEEEP!
Mahigpit nya akong binalot ng braso nya para hilain pagilid dahil muntik na akong mahagip ng jeep. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksyon. Masyadong mabilis ang pangyayari pero bumagal ang bawat sandali.
"Magpapayat ka kaya para hindi ka maging malaking harang sa daan. Hahaha."
"TSEE! Teka, malapit na pala tayo sa train station, pwede mo ng itupi yang payong mo kasi may bubong na dito."
"Oo nga no. Saang station ka bababa?" hindi nya muna tinupi ang payong nya sa halip ay pinatulo nya muna ito. Nagkalayo na rin kami ng bahagya, di tulad kaninang halos magpalit na ang katawan namin.
"Bicutan Station. Ikaw?"
"Hahaha. Di ako nagtetren."
"Hala! So..." bigla syang nagsalita.
"Bye na. Ingat!"
Nasa loob na akong ng tren pero hindi pa rin sya umaalis sa kinatatayuan nya. Pasara na ang pinto ng tren nang biglang...
"DIANA!" bigla syang sumigaw, napalingon na lang ako.
"INGAT!" pilit ko mang itago pero kinilig talaga ako.

Hindi ko alam kung bakit, pero napapangiti ako sa tuwing naaalala kong nag-effort talaga syang ihatid ako sa estasyon ng tren lalo pa't umuulan. Nakakahiya tuloy sa loob ng tren dahil bigla-bigla na lang akong ngumingiti. Hanggang sa pagbaba ko ng tren, pagsakay ng jeep at pagdating sa bahay.
"Dian!"
"Ma?"
"Kaninong jacket na itim to?"
HALA! OO NGA PALA!
...
Nagsunod-sunod ang mga araw na walang pasok dahil sa ulang dala ng hanging Habagat. Walang bagyo pero napakalakas ng ulan. Bumaha sa halos lahat ng lugar sa Maynila dahilan upang maantala ang aming pagpasok. Ngunit kahit na magkaganoon ay hindi naputol ang aming komunikasyon dahil nagkaka-text kami.
*Ang boring dito sa bahay. Gusto ko na talagang pumasok. Ilang araw na rin pa lang suspendido ang klase. GM
Sa totoo lang ay ayoko talagang nagtatagal dito sa bahay kasi wala akong kausap. Ang boring sobra. Madalas nga ay nanonood lang ako ng movies or series o kung hindi naman ay naggigitara ako.
*Haha. Oo nga, ang boring din dito eh.
Nagreply si Rodney. Himala ata to.
*Kamusta na?
*Eto, iniisip ka!
*Hahaha. Lol! Nice joke ka ah.
*Hahaha. Nga pala, matutuloy na pala talaga ako sa paglipat ng school.
*Hala! Kelan?
*Pagkatapos ng Mid-term exam natin.
*Bat ba kasi kailangan mo pang magpalipat ng school? Ang arte mo ah. Ok naman yung turo sa PUP ah.
*Sayang tong opportunity eh.
*Haysss. When life gives you lemon, you freaking make it lemonade. NVM!
*Anong ibig mong sabihin?
*Wala! NVM.
*Ai! Sabihin mo na... baka magbago pa isip ko!
*Wala yun!
Teka... ano bang sasabihin ko sa kanya na pwedeng magpabago ng isip nya? Don't tell me na yung simpleng meaning lang ng "When life gives you lemon, you freaking make it lemonade" ay mababago na ang desisyon nya. Ang babaw. Ayoko namang isiping mayroon syang gustong marinig from me. Ahhh. Baka gusto nyang pagbantaan ko ang buhay nya. Hahahaha.
Lumipas pa ang mga araw, lumipas na ang isang linggo, umabot na ng isang buwan. Madalas na syang lumiliban sa klase, marahil ay busy lang talaga sya sa pag-aasikaso ng papeles nya sa pagpapalipat ng school. Mid-term exam na namin next week, pagkatapos nun ay hindi ko na sya uli makakasabay kumain sa 6h floor na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam kung anong tawag sa lugar na yun. Wala ng mangungulit sakin sa tuwing busy o seryoso ako. Wala ng mang-aasar sakin hanggang sa mapikon ako, higit sa lahat... wala ng magpapangiti sakin sa napakasimpleng paraan.
Bigla akong napaisip...
Eh ano kung lilipat sya ng school? So what?
BAKIT BA KASI KAILANGAN NYA PANG MAGPALIPAT? ANG ARTE NYA!

I must admit it, I act like I dont care but for real... I DO!
...
"Diana Salazar!" ito na naman sya, nangungulit na naman!
"Bakit Rodney Gonzales?"
"Hahaha! Nice, marunong ng sumakay sa biro ko."
"Anong trip na naman yan at kailangan mo talaga akong tawagin sa fullname ko?"
"Wala lang, mamimiss ko lang yung pangalang yan." teka, anong sabi nya?
"LOL! Tigilan mo ko!"
"Seryoso!" bigla kaming napahinto sa paglalakad.
"Rodney, please don't make this hard for me." hindi ko maiwasang hindi maging malungkot sa pagsasalita.
"Bakit? Am I making it this hard for you?"
"OO!" hindi ko na nakontrol ang boses ko, napalakas ang bigkas ko.
"Bakit nga?"
"Kasi..."
"Kasi ano?"
"Kasi..." nagdadalawang isip akong sabihin "Kasi... KAIBIGAN KITA!"
"Haha." dahan-dahan ang pagngiti nya, parang napilitan lang kung titignang maigi. "Goodluck sa exam bukas. Bye!"
Bukas na nga pala ang exam namin, pagkatapos nun, aalis na sya. Teka, bat ba ako apektado? Marami naman akong kaibigan nung high school ako na lumipat din ng ibang school ah.
...
Umuulan na naman. Hala oo nga pala, yung jacket pala ni Rodney hanggang ngayon di ko pa rin nababalik. Ang tagal na sakin nun. Halos isang buwan na. Kailangang maisauli ko na yun bago sya umalis.
"Ma, natatandaan mo pa ba yung itim na jacket?"
"Hmmm. Nakalagay sa kabinet mo."
"Sige po, salamat."
Nasa kabinet ko lang pala yun. Bat di ko napapansin. Hmmmm. Ayun! Eto na. Ang bango. Bigla ko tuloy nasariwa yung nangyari habang suot ko ang jacket na to noon. Ayoko ng balikan!
Ang lakas pa rin ng ulan, buti na lang at walang masyadong tao ngayon sa tren. Siksikan pa rin pero hindi tulad ng mga nakaraang araw. Haaay. Medyo kinakabahan na ako para sa exam mamaya ah. Makakapasa kaya ako? Sana naman diba. Sayang yung nireview ko kung babagsak lang ako.
Pagdating ko ng school, agad ko syang hinanap. Baka walang jacket na ginagamit yun. Payat pa naman yun (hindi naman sobrang payat. Inexage ko lang). Teka, asan  na nga pala sya? Ayun! Nasa harapan pala.

"Rodney!"
"O?"
"Yung jacket mo o. Sorry kung ngayon ko lang nadala ah."
"Hala! Wrong timing ka. Wala akong dalang bag, san ko ilalagay yan? Pwedeng sayo muna? Please!"
"Ay! Sige na nga. Goodluck pala sa test."
Grabe, dapat pala talaga di ko muna to dinala.
Nag-umpisa na ang aming exam, hindi ako masyadong nahirapan sa mga favorite kong subjects. Pero sa tuwing nakikita kong nagsasagot si Rodney, feeling ko ang bobo ko. Ang bilis nya kasi eh. Tapos mukhang confident pa sya sa sagot nya. Talagang bagay talaga sya sa UP. AY EWAN! I should stop thinking about him.
...
Last day na ng mid-term exam. Hanggang ngayon di ko pa rin nababalik ang jacket nya. Kasi naman eh, dala ko na nung isang araw di pa nya kinuha. Ayan tuloy, nabasa, hanggang ngayon di parin tuyo. Alangan namang ibalik ko sa kanya ng basa to. Sa lunes ko na to maibabalik sa kanya.
"Kamusta yung exam?" tanong ko sa kanya. Tulad ng dati, nasa 6th floor na naman kami, hanggang ngayon di ko parin alam kung anong tawag dito.
"Ok lang naman, ikaw, kamusta ka na?"
"Ako o yung exam?"
"Ikaw."
"Hmmmm. I'm good."
"Buti ka pa!" biglang humina ang boses nya, pabulong syang nagsalita pero narinig ko pa.
"Bakit? Cheer up! Ang ganda ng magiging school mo."
"Hahaha. Oo nga. Excited na nga ako eh."
"I'm so happy for you!"
"Napaka-sarcastic mo. Hahaha. Nevermind."
"Ito na pala yung last time nating magkasamang kakain dito." ewan ko ba, parang hindi ko napag-isipan yung sinabi ko. Basta bigla na lang lumabas sa bibig ko.
"Oo nga eh."
"Mamimiss ko to."
"Mamimiiss kita!"
"Huh?"
"Wala."
At ayun nga. Sabi nya papasok pa raw sya sa Monday. So may pagkakataon pa akong ibalik yung jacket nya. Yun na kaya yung last naming pagkikita?
BAKIT BA AKO BOTHERED?
Saturday... hindi man lang sya nagpaparamdam, ni isang text wala akong nareceive.
Sunday... Wala pa rin akong balita sa kanya. Baka wala lang talaga syang load.
Monday...
Asan na ba sya? Malapit ng mag-start yung klase, parating na yung Prof. Grabe, last day na nya late pa rin sya.
Lumipas na ang ilang oras, natapos na ang ilang subjects wala pa rin sya. Sabi nya papasok pa rin sya ngayon! Nakakainis talaga sya! Pero sabagay, sinabi na rin naman nyang lilipat na sya ng school after ng mid-term exam. Haays. Bat ba ako affected?
"Bye guys! Dito na lang ako!"
"Bye Dian. Ingat ka ah." Tulad ng dati, mag-isa pa rin ako dito sa waiting shed. Ang weird talaga ng panahon, kanina umaaraw, ngayon ang lakas ng ulan. Ang masaklap pa, wala na naman akong dalang payong. Naalala ko tuloy yung payong ni Rodney na pang-baby. Hahaha. Teka, giniginaw na ako. Basa na naman kasi yung uniform ko. Para may pakinabang naman tong jacket nya, susuotin ko na lang. Infairness, pumayat ako ah. Di na fitted sakin.
Kailan kaya titila tong ulan?
ONE MESSAGE RECEIVED:
Fr: Rodney
08-22-12
9:46AM

*Diana! Nasa pila na ako ngayon para sa pasahan ng papers sa paglipat ng school. Pasensya kung di ako nakapasok.

OH MY GUSH! Late receiver ako. Malapit nang mag-11:00AM. Bat ngayon ko lang to nareceive.

9:48AM
*Dian, galit ka ba? Sorry talaga kung di kita nasabihan.

9:55AM
*Dian, pigilan mo ako, hindi ko itutuloy to! Sabihin mong mahal mo rin ako, hihinto ako!

HALA! Anong gagawin ko? Ayoko syang malayo sa akin!

10:57AM
*RODNEY! WAG MONG ITULOY! SINO PA ANG SASABIHAN KO NG "MAHAL KITA" KUNG WALA KA NA?

Natigilan ako sa pag-iyak nang may narinig akong ring ng phone mula sa aking likuran.

Si Rodney...

"You're an hour late to stop me!"

"I'm sorry. Ngayon ko lang nasabi!" lalo akong napaluha.
"Late ka ng isang oras para pigilan ako pero advance ka ng tatlong buwan para mapa-ibig ako... yun lang, sapat ng dahilan para manatili dito!"

Wala na akong ibang nagawa kundi ang yakapin sya. Yung akala kong imposibleng mangyaring mahalin nya rin ako ay nangyari na. Yung kinakatakot kong baka mawala sya, nawala na.
"Huhulaan ko, wala ka na namang payong no?" ayan nanaman sya!
"Wala! Naiwan ko."
"Good! Tara na!"

That very sweet moment when we're under a cute umbrella and his arm is tightly enclosed to me.
____________________
OH EM GEE!
P.S, sobrang kinikilig ang author while writing the ending. hahaha.
Fiction po ito. Wala akong kakilalang Rodney Gonzales pero sana may makilala akong Diana Salazar.
Hahaha. (if you're reading this. Nice one!)

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.