An Hour Too Late
Wala namang bago sa araw na ito, normal na lunes lang ito'y maituturing. Bukod sa pawis na pawis pa rin ako dahil sa P.E class namin ay kasabay ko pa rin syang kumain ngayon dito sa tambayan namin sa 6th floor na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang tawag. Malapit nang mag 11:00AM, halos kalahating oras na kaming magkasama ngayong break time pero wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Kung may magsasalita man samin ay wala namang sense ang mga yun. Hindi naman kami ganito noong mga nakaraang araw, siguro dahil na rin sa nalaman ko na sa tingin ko ay ako ang huling nakaalam.
"Rodney..."
"O?"
"So lilipat ka na pala ng school?" parehas kaming nakatingin sa malayo, hindi ko sya tinitigan, di nya rin ako tinitigan.
"Oo. Pano mo nalaman?" mahinahon nyang sagot. Walang emosyon ang pagbigkas nya.