• Si Torpe Boy at Pakipot Girl


Si Torpe Boy at Pakipot Girl

Mabuti pa sa lotto may pag-asang manalo, di tulad sayo, imposible.
Kay hirap maging babae kung torpe you lalaki, kahit may gusto ka kasi di mo masabi.

Minsan may mga bagay na kahit gaano mo kagusto ay di mo magawang ipahayag o ipakita. Minsan, sa pag-ibig, kahit na mahal mo sya ay sadyang di lang talaga pwede. Ayokong sabihin kasi kasi natatakot akong iba ang marinig ko mula sa kanya.

Ako si Mariechar, simpleng babae, mahinhin at konserbatibo. Madalas ngang tawag sa akin ng mga kaibigan ko ay Maria Clara. Kasi naman, lumaki ako sa piling ni lola. Hindi ko ganoon ka-updated kasi hindi naman talaga ako lumalabas ng bahay. Kuntento na akong nakikita sya sa bintana.Save


[John Mark's POV]


Ako si John Mark, lagi akong laman ng kanto, nag-gigitara, madalas kong kasama ang barkada at gumigimik kun saan-saan. Pero alam mo, kahit na ganto ako ay di pa ako nagkaka-girlfriend. Oo, torpe ako. Hindi ako marunong manligaw at mag-express ng nararamdaman. Kuntento na akong nakikita sya sa bintana.

Kababata ko si Mariechar. Sya ang pinaka-unang naging kaibigan ko dito samin mula ng lumipat kami ng bahay dito. Madalas ko syang kausap sa bintana dahil hindi naman talaga sya lumalabas ng bahay, napakabihira. Halos magkadikit lang ang bahay namin. Parehas na nasa 2ndfloor ang kwarto namin at magkatapat ang bintana namin. Noon nga ay nakakapasok ako sa kwarto nya, sa bintana lang ako dumadaan. Pero noon yun, nung mga bata pa kami. Sa ngayon ay bihira ko na syang nakakausap.

 [Mariechar's POV]
  
Wala na naman sya ngayon sa kwarto nya. Malamang ay nag-iinom na naman yun kasama ang mga kaibigan nya. Hay! Kelan ko kaya sya makakausap uli? Miss ko Narin sya. Miss ko na ang boses nya, ang kalokohan nya at ang mga kwento nya.

"Marie! Andyan ka ba sa kwarto mo?"
"Ahh... o... oo. Bakit?"
"Wala kasi akong makausap eh."
"Yung mga kaibigan mo?"
"Umuwi na sila eh. Ayaw mo ba?"
"Ayy... ano... hindi... ay, ibig kong sabihin gusto ko naman."
"Bakit parang nauutal ka? Kamusta ka na pala?"
"Mabuti naman. Ikaw?"
"Ito, iniisip sya."
"Sino?"
"Yung mahal ko.

 [John Mark's POV]

 Mabuti at naabutan ko sya ngayon. Miss ko na rin yung pag-uusap namin. Matagal-tagal narin nung huli ko syang maka-usap.

"Bakit parang nauutal ka? Kamusta ka na pala?"
"Mabuti naman. Ikaw?"
"Ito, iniisip sya."
"Sino?"
"Yung mahal ko."
"Sino?"
"Basta, di mo rin naman sya kilala."
"Ahh... ganun ba?"
"Haha. Oo nga pala, pwede ba kitang sabayan bukas sa pagpasok ko sa school?"
"Ahhh... ano... si... sige."
"Aantayin kita bukas sa labas ng bahay nyo ah!"

Miss ko na nga talaga sya. Matagal ko na rin kasi syang hindi nakakasama. Lagi kasi syang mag-isa. Hindi ko rin naman kasi sya naabutan dahil madalas akong late.

 [Mariechar's POV]
  
Totoo ba to? Niyaya nya akong makasabay bukas. Matagal na rin kasi nung huli ko syang makasama. Madalas kasi syang late. Minsan nga nahuhuli rin ako sa kalse kasi inaantay ko sya pero di rin naman nya ako nakikita. Lagi nya kasing kasabay si Jessica, girlfriend nya ata.

"Ang aga mo ngayon ah. Akala ko mahuhuli ka na naman ng gising."
"Haha. Hindi no! Hindi pwede!"
"Bakit?"
"Kasi... kasama kita."
"Ano uli yun? May dumaan kasing tricycle eh."
"Sabi ko, kasi nag-alarm clock ako kanina."
"Ahh... ganun ba?"
"Ako na magbubuhat ng bag mo. Wala naman akong masyadong bitbit."

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinikilig na ako. Kaso, mukhang mababale-wala na rin naman na. Dumating kasi si Jessica.


"John Mark! Sino yan? Girlfriend mo?"
"Ahhh... hindi ah! Si Mariechar... kaibigan ko lang sya."
"Buti naman. Sabay na tayo John Mark ko :)"
"Ahhh... kasi ano..."
"Sige na John Mark, akin na yung gamit ko. Ingat kayo."
"Teka..."
"Tara na John Mark ko."


[John Mark's POV]


Nakakainis talaga tong si Jessica na to oh. Wrong timing naman kasi eh! Ok na nga eh. Ayan tuloy, naagaw na.

"Hi Mariechar, mag-isa ka lang?"
"Ahh... oo."
"Tara na, sabay na tayo, Akin na yung bag mo."
"Ok lang. Kaya ko naman."
"Hindi... Akin na."
"Salamat Ramices ah."

Arrgghhh!!! Nakakainis! Bakit parin ang sweet nila? Di kaya, nililigawan na sya ni Ramices. Badtrip! Ang torpe torpe ko naman kasi! Nauunahan ako ng takot. Naunahan na tuoy ako. Pero hindi pa naman sila.  Kaso, kahit naman hindi sila, wala rin naman akong magagawa. Hayysss. Tanggap ko namang pangarap ko lang talaga sya.


[Mariechar's POV]


Gustuhin ko mang sumama sa kanya ng mas matagal ay hindi mari. Hindi ko kayang magbigay ng motibo sa isang lalaki. Hindi ko rin alam kung paano ipakita ang aking nararamdaman.

"Marie, pwede ba kitang sabayan mamaya sa pag-uwi?"
"Ok lang naman, kasama rin naman si Ramices eh."
"Ay... ganun. Sige wag na lang pala."

Kung katulad ko lang sana si Jessica na kayang lumapit sa mga lalaki ng parang wala lang. Kung ikaw na lang sana si Ramices na laging na sa tabi ko.

"Tara na Marie. Ako na ang magbubuhat ng gamit mo."
"Salamat Ramices ah."
"Ram na lang kaya para maikli."
"Sige Ram."
"Tingnan mo sila oh."
"Sino?"
"Si John Mark at Jessica. Ang Sweet nila noh. Sabi na nga ba seila na ni Jessica eh."
"Ahh..."
"Bakit?"
"Wala... Aww... wag mong pisilin yung ilong ko."
"Haha. Ang cute mo talaga. Isa pa nga. Haha."
"Aray ko! Tama na Ram. Haha. Ang kulit mo pala."
"Aray, wag kang manghampas."
"Ayy sorry."


[John Mark's POV]


Ano ba yan! Bakit magkasama na naman sila? Nakakabadtrip naman oh! Ano ba tong nararamdaman ko. Naiinis lang ba talaga ako o may iba pa? Ewan!

"Tingnan mo sila babes."
"Wag mo kong tawagin ng ganyan."
"Tingnan mo."
"Sino?"
"Si Ram at Mariechar. Ang sweet nila noh? Grabe, sabi ko na nga ba eh. Ang bilis talaga ni Ram sa babae. May papisil-pisil pa sya sa ilong ni Mariechar. Naiinggit ako. Tayo rin!"
"Tumigil ka nga dyan!"

Wala na! Wala na talagang pag-asa. Hanggang pangarap na lang talaga kita. Nahihiya kasi akong magtapat. Baka kasi negatibo yung response nya o baka busted agad. Ayoko! Nakakahiya yun!


[Mariechar's POV]


Wala na naman sya ngayon sa kwarto nya. Malamang ay nag-iinom na naman yun kasama ang mga kaibigan nya. Hay! Kelan ko kaya sya makakausap uli? Miss ko na rin sya.

"Marie! Andyan ka ba sa kwarto mo?"
"Ahh... Oo. Bakit?"
"Mariechar, mahal na mahal na mahal na mahal kita."
"Tumigil ka nga, lasing ka na naman. Lasing ka lang."
"Mahal kita simula pa noon. Maniwala ka.."
"Matulog ka na nga. Kung anu-ano na naman yang sinasabi mo. Matulog ka na. Isasara ko na tong bintana ko."

Mahal nya raw ako. Haayysss. Sana lagi na l ang syang lasing para mapagkamalan nyang ako yung mahal nya, na ako si Jessica.


[John Mark's POV]


Ito na lang ang naiisip kong paraan. Sabado naman bukas eh. Maglalasing ako. Hindi ko alam kung bakit ako masyadong apektado sa mga nangyari kanina, sa mga nakita ko. Ewan! Ang gulo.

"Marie! Andyan ka ba sa kwarto mo?"
"Ahh... Oo. Bakit?"
"Mariechar, mahal na mahal na mahal na mahal kita."
"Tumigil ka nga, lasing ka na naman. Lasing ka lang."
"Mahal kita simula pa noon. Maniwala ka.."
"Matulog ka na nga. Kung anu-ano na naman yang sinasabi mo. Matulog ka na. Isasara ko na tong bintana ko."

Sa wakas, nasabi ko na rin sa kanya. Sana lagi na lang akong lasing para nagkakaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang tunay kong nararamdaman, na mahal ko sya, mahal na mahal. I love you Mariechar.




"At kahit mahal kita, wala akong magagawa, tanggap ko to aking sinta, pangarap lang kita. PANGARAP LANG KITA!"


0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.